Wednesday, August 11, 2010

Pag tulong

Sobrang saya ko ng mga nakaraang araw dahil nabigyan muli ako ng pagkakataon upang tumulong sa kapos palad. lalo na as mga katulad kong may sakit naisip ko lang sa pagtulong pala dapat wag samatalahin. dahil habang mahina wag abusuhin ang kahinaan . lahat tayu ay gustong tumulong sa pag tulong may puso at personal na intensyon gamitin natin sa tamang paraan ang pag tulong . wag gamitin sa personal na intensyon sa sarili kapakanan. hindi porkit tayu ay may ganitong saket dapat na nating ibalewala lahat kapakanan , kalusugan o ang ating emosyon. dahil sa  bawat kibot ng iyong galaw kapalit ay katimawaan . wag magpapadamay samay iba kundi dahil gusto nating maging marami ang kaibigan kung ano na ang nararamdaman natin dapat ang ibang tao ay maging ganun na din. nagiging bobo tayu sa pag tulong o nagiging gahaman tayu sa kapangyarihan. sa pag blog ko ng ganito hindi ko na alintana kung tama o maganda ang aking nagagawa ang akin lamag maiparating na sa aking karanansan sa pagtulong sa tao minsan naabuso naten ang salitang pagtulong o pagkakawang gawa. may limitasyon o mayroon mga bagay na dapat pag tuunan . OO may sakit ako huminto ang mundo ko kala ko wala ng pag asa pero sa kanila ng ilang tao importante sa akin nagawa ko ang lahat ng maganda . eto na ang tamang oras sa pag tulong nagiging isang malaking perya na ang sakit na ito naghahanap na lang tayu ng butas upang maging isang biktima dahil lahat naman tayu ginawa itong krimen na ito. mag isip at tumutol. sa pagkahina ng emosyon o sa pagiging walangmalay ng mga pausbong tayu ang aatake parang insekto upang sa pag tulong may makuhang kapalit. ang katahimikan ay sadyang nakakabingi pero sa pag iingay may makukuhang resulta. para sa ating mga positibo ang pag tulong ay nasa puso wala sa utak! sa aking pag lalakbay tanan ko ang maling atake sa pagtulong sa tao nanghihinayang ako sa talino nyo isang nakakapanghinayang. MAG ISIP , WAG MANGALAP , TUMULONG AT MAG MASID dahil sa bagay na ito ako ang aagapay sa mga taong nangangailangan ng tulong . dahil hindi ako makakapayag sa pag tulong sa maling paraan o tumutulong sa sariling interest ay mawawala ang mga ipinundar namin. TUMULONG wag MAKITULONG.

Friday, August 6, 2010

Kulay

Ang magkakulay ay magkaperhas

Ang pula umaayon sa pula.

Ang puti ay pwedeng ihalo sa ibang kulay

Pero hindi lahat ng kulay ay makakabuti baka mamaya siya ang sisira ng pangarap mo.

May isang kulay nagbibigay ng dumi at dilim ito ay ang itim .

Hindi dahilan ang nabahiran ka ng itim , dapat mo ng idama o mantsahan ang ibang kulay upang umayon sa kulay mo.

Ang puti ay kasiyahan, kaliwanagan , kapayapaan at pagiging malaya.

Ngunit hindi lahat na kung ano idikta ng kulay na bughaw ay dapat mo makibagay kahit ang kulay mo ay kahel.

Ang pagiging malaya walang masama sa kulay puti  ay dapat umakma.

kung sa tingin mo ang kulay na luntian ay nagbibigay kulay .

Pwede mong iguhit larawan ng iyong kinabukasn.

Bastat tandaan di lahat ng kulay ay dapat kang umakma dahil yoon ang bagay sa kanya dapat mo isipin ang kulay na ito ay aakma ba sa buhay ko?

Kung mali man ang kombinasyon ng iyong kulay wag ibaling sa ibang kulay dahil baka sa iyong kulay ay may kulang.

Maari mong iguhit ang lahat ng gusto mo gamit ang ibat ibang kulay. ngunit dapat isipin ang lahat ng kulay na ito ay responsibilidad mo kung iyong paghahaluin.

Ngunit nang ang bahaghari ay lumitaw ang kulay lahat ay umakma sa bawat isa.

Sa huli ang puti ang nagtatago sa likod ng kulay ng ulap ikaw ay hinihintay ng ulan para ibahagi ang iyong kulay.

Naisin ,  Umakma , Makibagay , Timbangin at Isipin na ang kulay mo ay maybahagi din sa bahaghari.

Nasasaatin ang kapalaran wag iasa sa ibang kulay o idamay ang ibang kulay dahil sa ating kulay lungkot at pighati ang tadhana ay pinahihiwatig.

Kung ang kasiyahan at kaliwanagan ng ibang kulay di naten maatim wag magbigay dungis dahil di lahat ng iyong kapalaran ay dapat din mangyari sa ibang kulay.

Maging masaya at hayaang lumigaya ang sarili dahil sa kulay ng buhay kaw ay magmithi ng isang kasiyahang walang hangan .

Ikaw ay isang kulay na maaliwalas wag ibaling sa ibang kulay ang kakulangan ng iyong tingkad.

Isipin mo na ang iyong parti ng kulay dapat mo ibahagi upang magawa ang iyong ninanais .

Ang dilim ng nakaraan iwanan at harapin ang masiyang kasalukuyan at tupdin ang kinabukasang pangarap.

kulay

Wednesday, August 4, 2010

Kanan O Kaliwa?

Sa aking paglalakbay aking iniisip na ang ibig sabihin ba ng pagliko ay kanan o kaliwa?

O liliko dahil dapat ng iwasan ang kanan?

Liliko dahil sa pag baling sa kaliwa ay dapat ng kalimutan ang nakaraan at tumahak ng tuwid na daan?

Ang pagkukubli sa ating kasiyahan o sa ating pag iisip ay may kapalit na kalungkutan.

Hindi Dahil patag ang daan o dahil maluwag ang daan patungo ito sa kaligayahan .

Kanan ang baling ng pagkukubli.

Kaliwa ang pagtahak sa tunay na landas.

Kanan o Kaliwa?