Monday, January 24, 2011

Kailan

Kung saan di ko alam .

Kung kailan di ko sigurado.

Sana maisip natin di lahat ng bagay pwedeng bilhin lalo na ang pagmamahal.

Naging makasarili ako pero alam ko kung sino mga taong nag mamahal sa akin.

Magbigay halaga at respeto.

Kung pansarili natin ang iisipin walang masama .

Ngunit sa mga bagay na dapat isang tabi dahil walang katumbas na halaga.

Isipin at mag isip dahil hangat buhay tayo pamilya at kaibigan ang mag aaruga sa atin.

Kailan?




Ang layo ng koneksyon LOL!

Tuesday, January 11, 2011

Rating

Sabi nila para malaman mo pagkukulang sa sarili mo rate mo daw para alam mo san ka babawi.


10 ang pinakamataas 1 ang pinakamababa.




LOVE -- 8


LIFE --9


SEX --1


MONEY -- 8


FAMILY-- 10


FRIENDS -- 10


Try ko iimprove lahat para minsan may nagbabago naman di lang puro salita.

Monday, January 10, 2011

Ugoy ng Duyan

Habang nakaupo at nagbabasa ng mga comment sa FB aking narinig ang isang kantang laging kinakanta sa akin ng aking INA,Bago ako matulog dahil sa sobrang tagal ko matulog noong bata ako. Naalala ko noong ang tawag sa akin santo santito kasi napaka kulit ko at sobrang mapaglaro. isipin mo bang magagawa kong pag palitin ang mga laman ng pabango at ipag halo-halo ito? Omag lagay ng Panty at Bra sa bag ng kuya ko? bago sila pumasok? At sa pintuan ng inyong palikuran na tanaw sa kalye dahil kayo ay may tindahan at naka lagay bawal mag CR may kapre sa loob? O tawagin ang magbabalot sa gitna ng gabi at biglang magtatago sa ilalim ng bintana?
Ganyan ako kakulit nang ako ay bata mapaglaro at mapang asar.ngunit ang aking kakulitan ay nakatulong naman.Dahil sa tagal ko matulog sa gabi sa likuran ng aming bahay na bakanteng lote na ang paligid ay natatakpan lamang ng yero. Isang magnanakaw ang pumasok. Gising pa ako noon di ko alam ang gagawin ko sa takot baka ako ay patayin. Syempre bata anu-ano iniisip. Ang aking ginawa nag boses duwende ako isang maliit na boses na malalim at tinakot ko ang mga magnanakaw. nagising ang buong kapit bahay sa kalabog at ingay ng magnanakaw.Yun ang paraan kaya sila nahuli. 
Maloko pero may pakinabang naman sa mundo kahit simple tao pwedeng tumulong.
Lumapit sa akin ang aking ina at sinabi anak tulog na tayu pagod ka na.Hindi mo makakaila na anak ako ng nanay ko. Mula ulo at paa kamukha ko ang nanay ko hulmang hulma kung baga.Sa sitwasyon ko ngayon at sa sakit ko lagi ko siya naiisip nahihirapan man o kaartehan man pero ang hirap dahil siya ang sandigan mo simula noon ngunit di niya alam ano meron ka ngayon. mahirap dahil nararamdamana na niya kung ano meron ako pero syempre di niya alam kung ano sakit meron ako. pag dumadating sa pagkakataong ako ay nalulungkot gusto ko umiyak na kasama siya at yakapin siya? pinakikingan ko lang ang Ugoy ng Duyan dahil kahit hindi niya alam ang letra ng kanta ito ay kanyang kinakanta dahil para ako ay kumalma sa pag kakaiyak. 
MAMA, sa araw na malaman mo kung ano meron ako sana tatagan mo loob mo dahil hangang ngayun iniisip ko ang kalagayan mo. Sobrang namimiss na kita.
Huwag kang mag alala inaalagaan ko sarili ko.
Mahal na Mahal kita.

Menteur

We are many and you are few,
we listen to the crap you spew.
Don’t think we aren’t up to speed,
on truth and lies as you deceive.
You spout out lines of twisted tales,
like politicians or car sales.
You change what we would like to hear,
while your treachery has no fear.
You are what’s wrong in every way,
no longer care ‘bout what you say.
You paint your picture so distorted,
you change the story not reported.
The words come out but do not say,
the truth behind what you portray.
You bend the facts for your own gain.
How is it that you feel no pain?
LIAR!!!

Monday, January 3, 2011

Banal na ASO Santong KABAYO

BANAL, Ito ang isang taong deboto sa kanyang Relahiyon at Madasalin


ASO , Isang uri ng hayop na kadalasang bantay ng bahay.


SANTO , Mga imahen at mga taong banal na binibigyan ng pagpupugay dahil sa kadakilaan at kabaitang nagawa.


KABAYO, Isang uri ng Hayup na kadalasang makikitang kadugtong ng Kalesa at makikita sa Tagaytay at Baguio.


Banal na ASO Santong KABAYO, Kanta ng YANO


Isang Awiting na ipinararating sa mga taong kala mo santo makaarte kala mo numero unong mabaet . Yun pala isang santa santito.


Madameng ganyan makuha lang ang gusto.


Mag-ingat!


Banal na ASO Santong KABAYO
YANO



Kaharap ko sa dyip ang isang ale 
Nagrorosaryo mata niya'y nakapikit 
Pumara sa may kumbento 
Sa babaan lang po sabi ng tsuper kase me naghuhuli 
Mura pa rin nang mura ang ale 

Banal na aso, santong kabayo 
Natatawa ako hihihihi 
Banal na aso, santong kabayo 
Natatawa ako hihihihi 
Sa 'yo 

Nangangaral sa kalye ang isang lalake 
Hiningan ng pera ng batang pulubi 
Pasensya na para daw sa templo 
Pangkain lang po sabi ng paslit 
Talagang di ba pupwede? 
Lumipat ng pwesto ang lalake 

Anuman ang iyong ginagawa sa iyong kapatid 
Ay siya ring ginagawa mo sa akin


Qui Suis-Je?

Sino ba ako??


Ako ay simpleng tao na nangangarap na mamuhay ng masaya at mapayapa.


Simple dahil ayaw ko komplikasyon.


Tapos na ako sa buhay na marangya at magulo.


Madami na akong nakilala noong ako ay nag tatrabaho sa isang Private Institution .


Mula sa simpleng tao hangang sa kilala sa lipunan.


Inalagaan ko ang aking pangalan dahil sa mga darating na panahon ito ay aking babaunin sa aking pag lisan.


Sa aking pag lalakbay mga taong aking natulungan ay isang tagumpay sa aking bolonterismo.


Kwentong kahit san ko bitbitin aking matatangan.


Ibat-ibang klaseng tao ang aking natulungan sa aking bukas loob na pagtulong.


Ngunit ako ay lumisan sa trabahong ito dahil sa aking kalagayan dahil may kaalaman naman ang aking mga katrabaho pero dahil sa aking sakit unti unti nag bago ang aking buhay.


Hindi ko ninais na sirain ang aking pangalan lahat ng mga istorya sa aking buhay lahat ito ay nakatago.


May mga dibisyon at kung baga binubukod ko ang mga kaibigan ko sa aking trabaho.


Kaya ng sinapit ko ang kalagayan na ito ninais ko tumahimik at umupo sa isang tabi.


Ngunit may iilang tao na hindi ako kilala para husgahan ako.


Sa aking pagkatao? estado sa buhay? o aking kalagayan?


MALI isang maling kamalian .


Hindi Ako palamunin ng ibang tao para sabihan ako na tamad ako o isang ako walang direksyon ang buhay ko.


Ang mga pinoy o tayung mga filipino ay mahilig sa TSISMIS aminin man naten o hindi kahit ako oo.


Pero may limitasyon ako imbis na ipagkalat tinutulungan ko ung taong nag kwento .


Ang lagi kung tanung ay "Kung sayo gawin yan matutuwa ka?


Lalo na kung ang kwento ay walang katotohanan? o ang kwento para bumango ka sa pangalan mo?


Hahayaan lang ba nating masira ang lahat ng pagsasama dahil sa kwento at kumento natin?


O sadyang masaya tayo pag may nalulugmok??


Sa kwento ng aking buhay maraming akong nakasalamuhang tao madami akong natutunan at marami akong buhay na pag bago at natulungan sana may napulot sila.


Natatandaan ko may kumakalat na kwento sa akin na isa ako palamunin ng BF ko.


At isa akong walang pangarap sa buhay.


Isang taong nakakasakal sa isang relasyon.


at isang taong madameng ISSUE?


KILALA ninyo ba ako?


Nakasama ko ba kayo simula ng pagkabata ko?


Kaw ba ang nagpalit ng lampin ko?


Kaw ba ang gumastos ng tinustos ko sa pag aaral ko hangang makapagtapos ako??


O ikaw ang bumuhay sa akin?


Ang akala ko ibang tao ang nagkukuwento .


Hindi pala mismong BF ko ang nagsasabi sa ibang tao.


Para ano masira ako? Para ano? sa sariling interest?


HINDI ako yun!


OO maniniwala ang mga pinagkwentuhan dahil may sariling intensyon????
(PATANONG)


O Naniniwala sila dahil di nila alam ang dahilan.


HINDI LAHAT NG PAGKAKAMALI O KAKULANGAN SA IBANG TAO NATIN IAATANG.


DAHIL PARA ANO? PARA SA PANGSARILING KAKATIHAN?


Wala akong masamang pinakisama sa BF ko kundi lahat maganda at maayos na pakikisama.


Nagbabayad ako ng mga bayarin at mga kung ano pa dapat bayaran para sa bahay.


Pangkain ako ay namimili para may kainin kami araw araw.


Linisin ang mga kalat na dapat siya ang dapat gumawa.


HINDI po nanunumbat o kung ano man ang akin lang gusto ko malaman ninyo na hindi ako ang nasa kwento O tsismis.


Umabot sa pakikielam ko ng kanyang CELLPHONE dahil bakit?


Una dahil nagbago ako nang pakikitungosa pagsasama namin dahil EXBF nya, Na mahal niya hangang lumipas ang mga araw na kasama ko siya.


Pinatawad ko at tinulungan ko at minahal ko ng tapat dahil kung aking lulubayan ano mangyayari?


Lalo siyang malulungkot? masasaktan? at mahihirapan?


Tinangap ko dahil alam ko pwede ko saluhin lahat ng kalungkutan niya.


Pangalawa dahil sa kwentong nakakarating sa akin na mga kwento na hindi naman ako un.


KASINUNGALINGAN??  di ko alam ano dahilan.


Pareho namin ginusto ito pero parang pag nag aaway kami sa akin lahat ng paratang.


GANUN BA AKO KASAMA?


Bakit ko pinakekeelaman PHONE niya? dahil nakakatakot ako baka bumalik ang EXBF niya.


dahil alam ko malaking posibilidad na iiwanan nya ako pag binalikan siya?


Sana alam niyo san ako nanggagaling sa sinasabe ko bago ako husgahan.


Malihim na tao ang BF ko pero sa kabila noon sa mga kasalanan niya na di ko na ididitalye pinatawad ko siya.


Na minsan kahit sitya may kasalanan ako pa din ang hihingi tawad?


Pero pinatawad ko uli siya


Isa na sa dahilan na mahal ko siya , kasama na din ang dahil ayaw ko magbitbit ng sama ng loob.


Madameng mapanghusgang tao sa mundo pero naitanong ba natin na baka mamaya may nasasaktan tayu sa ginagawa natin?


O baka mamaya para lang sa sariling intensyon o sariling interest kahit makasira na tayo ng pangalan at pagkatao?


Walang masama sa opinyon o tama! sa pagkakaunawa natin sa kwento sana MAKILALA NIYO AKO.


Para malaman niyo kung sino ako!


Masama bang simpleng pangarap?  simpleng pamumuhay? para di komplikado?


Ipapaalala ko lang sa tagal ko nag tatrabaho may ipon na ako para sa sarili ko at para sa mga plano ko.


Gusto ko dahan dahan na katuparan ng aking mga pangarap.


Para sa mga blogger magsilbi sanang leksyon sa atin na hindi dahil nakakaangat tayo sa buhay o hindi dahil matalino , matipnuno , gwapo o kung ano man.


Walang makakadaig sa salitang PAGPAPAKUMBABA.


Alam ko na hindi lahat ng ugali ko ay maganda . pinipilit kung baguhin para sa ikakabuti ko.


Wala mang bilang ang aking BLOG pero gusto ko iparating di lahat ng naririnig ay TAMA.


Di lahat ng naririnig ay TOTOO .


Di lahat ay GINTO ay GOLD.


Sana makilala niyo ako para malaman ninyo kung sino ako at kung ano ako.


PAGHUHUSGA ng tao ay wala sa ating mga kamay.


Tanging DIYOS lamang nakakaalam kung sino ka!


Patawad aking mahal ngunit sana maging aral sa atin ang lahat.




PARA SA MGA NANIWALA AT NAKINIG AKO TANUNGIN NINYO BAKA HINDI AKO NASA KWENTO.


BAKA GUSTO LANG BUMANGO ANG PANGALAN PARA SOBRANG LINIS PAG IPINAKILALA.


May pinagaralan po ako kaya hindi ko babangitin kung sino ka dahil baka sa paghanga nila sa iyo at mga artikulo mo ay bumaligtad ang mundo.


Ano mapupulot ko kung gagawa ako kwento? wala baka bumalik pa sa akin ang karma.


Sa kabila ng iyong mga ginawa bukas puso kong papatawarin ka dahil hindi maging maayos kundi dahil kaylangan natin magbago. at isang dahilan ???


MAHAL KITA


Qui Suis-Je?


HAPPY NEW YEAR


Ang pagbabago ay hindi pa huli ating simulan at mag patawad.


RESPETO LANG PO