Wednesday, December 15, 2010

GAMOT

MAKATI isang lugar sa south na karamihan sa mga mataas na building ay nandito.




MAKATI ito ay para kamutin


Ang tanung may gamot ba sa MAKATI?









Pero pag MAKATI wag kamutin ikaskas na lang yan!

Monday, December 6, 2010

Pangarap o Ambisyon?

Kanina lamang ay nakausap ko ang dating kasamahan sa trabaho namiss namen ang bawat isa  dahil ilang buwan na kami hindi nag kikita syempre kwentuhan ng bongga ito. hay ang sabi sa akin after ko mawala sa company na huling pinagpasukan ko ano na PANGARAP ko sa buhay ? sabi ko hindi naman lahat walang pangarap sa buhay may ambisyon ako ayaw ko lang na ibinabato sa akin ang isang bagay na hindi naman ako at sinisiraaan ako. oo simple lang ang gusto ko pero hindi lahat ng pagiging simple walang pangarap. (galit ba ako? hahahah) hay may mga tao talagang nabuhay para manira ng ibang tao upang sila ay makalaya sa kanilang kasalanan. sabi ng friend ko may mga mahaderang bakla na nagkakalat sa dati kong opisina na isa daw akong PALAMUNIN ng ang BF . ang aking sagot hindi lahat ng nasa bahay ay palamunin na. may mga pangarap akong gustong gawin sa buhay hindi ko l;ahat ito minamadali dahil gusto ko nakaplano lahat . kung may minadali man ako yun mga bagay na pinangangalagaan ko ngayun. mga ingeterong bakla! heheheh mainit ulo? heheheh! Para sa mga baklang nagmamalinis sa sariling bakuran tignan nyo muna CR nyo bago kayo mangarap at magsabing malinis kayo . sariling niyong baho di nyo maamoy para lang maging maganda papel nyo sa mga lalaki pati ako sisiraan nyo. baklang mahadera buti ako may pamilyang uuwian at makakasama di tulad nyo masaya ng manira ng tao kahit alam niyo nasa inyo baho. (mainit ang ulo hahahaha)




Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako yung taong sinasabi nila siguro ipagdadasal ko sila para maiisp nila na mas malaking isipin sa mundo kaysa manira ng buhay ng tao.




Pwedeng kong suportahan ang sarili ko ayaw ko lang sinusumbatan ako pinakain lang ako ng isang tinapay pinagkalat na palamunin ako hehheheheh .




Tumingin ka muna sa salamin baka mamaya sariling mong dumi di mo makita.




Para lang makalandi at makuha ang gusto kahit may masirang buhay oki lang dahil di nila alam baka at the end buhay nila ang nasisira dahil sa mga baga na ginagawa nila.




OO MAY AMBISYON AKO PERO DI AKO NAG AASAM NG MGA BAGAY NA ALAM KO MALABO SA KAPASIDAD KO.




MAY PANGARAP AKO PERO HINDI KO NAMAN KAYLANGAN UMAPAK NG PAG KATAO NG IBANG TAO MASABING OO SUCCESSFUL AKO.




GOD WILL GUIDE YOU!




WALANG GAMOT SA INGIT AT INSECURE .










Monday, November 29, 2010

Kalibugan O Pakikipagnaiig?

Sa mga gabing ako ay naasam ng may makatabi dahil ang aking mahal ay wala sa aking tabi. Ngunit  hindi  ibig sabihin akoy naghahanap ng ibang tao upang aking mayakap. akoy sumubok upang ayain siya ngunit sa bawat pag aya ng may haplos ng pag mamahal ay isang pagtangi ang aking natatamo. ang aking karamay ang aking mga palad upang mairaos ang aking init na nararamdaman dahil ayaw ko namang mag hanap ng iba dahil kuntento ako kung ano meron ako. at alam ko naman na kung ano sitwasyon ko. dumadating sa umaga galing sa trabaho at nakakaramdam ng init ng katawan ngunit ang kanyang sagot parati " MAMAYA PAG GISING" . isang araw aking napansin ang langis sa aming palikuran ay bukas at umaapaw . aking siyang nilapitan at sinubukang ayain o romansahin upang baka ang init ay maramdaman. ngunit ako ay tinangihan dahil siya ay pagod aking pinag bigyan. ang laging dahilan ay pag dating sa araw ng walang pasok ako ay makikipagnaiig. ngunit sa kadalasan ako lagi ang pumipilit para may mangyari lang sa amin. aking naabutan sa aming PC mga malalaswang panuorin ng mga lalaking nagtatalik ay naiiwanang bukas o nasa historya ng PC . at aking nalalaman na siya pala ay nag mamariang palad. gaano kasakit sa aking bilang katuwang sa buhay ang isang bagay na laging pinagkakait na di naten malaman kung ayaw o sadyang umiiwas?

Alam kung mababasa mo ito aking mahal kung magagalit hindi dapat dahil gusto ko lamang malaman kung bakit ang pag iwas at pagtangi ay lubhang napakadalas?aking tinatanung sayo may kulang ba sa akin o gusto mo tumikim ng iba upang makalasap ng sariwang laman? tao lamang ako marunong masaktan dahil noong unang mga buwan natin ikaw ay mapusok konting dikit aking balat ikaw ay sumasabog ngunit ngayun ano ang pag babago?

Ang aking Katanungan May iba na ba?

" Ang mapikon ay guilty"


Wednesday, November 24, 2010

Ang aking Pasko

Mag iisang taon na ng nalaman kung nag positive ako sa Rapid test sa malate dahil sa Pride March . Ngayon iniisip ko paano uli ang Pasko ko? Masaya? Malungkot? o Masaket?

Lagi ko pinapakinggan ito taon taon dahil laging tinataon malungkot pasko ko.




Samahan mo ako aking mahal dahil kahit minsan isa lang inisip ko mahalin ka , pasiyahin ka  at makalimutan natin ang sakit na ito. lumaban at manalig dahil sayo nagkaroon ako pag asa.

LOVE YOU

Tuesday, November 23, 2010

Dugo Sa PagAMIN



















Aking dugo na nagmula sayo.


Ilang buwan din ako nag isip kung kaylan ko sasabhin sa malalapit na kaibigan ko ang aking sitwasyon sa mga kaibigan ko . Inisip ko baka hindi nila ako tangapin o baka pandirihan ako . 


Sinimulan ko sa kapatid ko panganay pinuntahan ko sya sa opisina nila kala niya dinadalaw ko lang siya pero sinadya ko talaga siya para sabihin sa kalagayan ko. noong una madame akong bagay na pinasisikot sikot upang masabe lang na may saket ako. naghulaan pa kami para masabe ko lang kala niya ng una may cancer ako. ngunit nang biglang naisip niya na may HIV ako bigla siya natulala. Si WONDER ATE siya ang naging batayan ko sa buhay . idolo ko sa lahat  ng bagay dahil nag mula sa pag kakatulong hangang naging isang janitor at ngayun ay isang posisyon na masasabing pinaghirapan(Mall Manager). kaya lahat ng aking ginigawa sinasabe ko sa kanya dahil proud ako na siya ang aking idolo. ang mali lamang nagsimula ako sa mataas hangang bumagsak sa lupa dahil sobra yabang ko sa sarili noon. ngunit naibalik ko naman kung ano natamo ko dahil sa tulong ni WONDER ATE. kaya habang sinasabe ko sa kanya madami syang sinasabeng gawin ko para mawala . binigyan nya ako ng mga libro para basahin tungkol kay GOD . bumaba sya at bumalik umiyak sinabi bakit kaw pa? madami naman taong pwedeng dapuan ng sakit at masamang tao sa akin. sabi ko ate dahil alam ko mahal ako ni GOD siguro dahil ginising niya ako dahil masyado ko na siyang nakalimutan. bago ako umalis pinabaunan ako ng isang yakap bago umuwi at sinabing love you. kasi malayo siya nakatira mula sa bahay.




Sumunod ay ateng kong bakla (Babaeng Bakla) masiyahin at sobrang kalog lahat bagay may biro. sobrang close kasi ako sa mga kapatid ko dahil wala namang magkakasama sa huli kundi kami din. Si ateng bakla ay inunti unti namen dahil sa lahat ate ko siya madaming reklamo pagdating sa akin dahil alam niya na ako isang tao na di magpapatalo pag tama ako. lahat ng kalokohan kami ang magkasama at lahat ng biruan kame ang partner . sinabe ni wonder ate sa kanya na pabiro at halong kalokohan tawanan pa sila sa telepono pero tumahimik si wonder ate sinabeng may sakit talaga si red. bumuhos ang luha ang kalungkutan sa kanilang dalawa . hindi kinaya ni ateng bakla dahil sobrang bigat as dibdib . tinext ko siya at sinabe may ulam akong niluto sabay tayu kumain uwi ka ng maaga ha. pag dating pa lang sa pintuan malungkot na mukha na ang gumulat sa akin alosdose ng umaga tulog na ang mga tao noon sa amin . habang kumakain sabi ko ubusin mo lahat yan alam ko paboito mo yan . ngunit tumulo na ang luha sa kanyang mga mata iyak na nasasaktan at nalulungkot. walang salitang masabi kundi ang yakap na mahigpit na ayaw ka mawala sa tabi at paningin niya. at sinabi kapatid mahal na mahal kita sori kung may nagawa ako masama sayo. di na ako nag salita at umakyat sa kwarto ko at umiyak. 




Nagplano ako nang inuman kasama ang mga barkada makaraan ang isang buwan inuman hangang malasing, inuman hanagang maging masaya at inuman hangang masabi ko na may saket ako.habang umiikot ang baso naglaro kame ng Q & A unang tanung kung may sobre na nakalagay CONFIDENTIAL bubuksan mo ba ? Barkada A hindi noh di naman akin un. Barkada B sisilip lang naman baka may pera sabay tawa. Barkada AN sorry wrong address Barkada U bakit sa akin papaabot kartero ba ako sabay tawa buong barkada. Ikalawang tanung Gaano mo maiitatago ang sikreto ng bakada? Barkada A hangang mamatay ako BB kilala mo ako friend di ako ganun kadaldal. BAN makaklimutin ako .BU patayin mo man ako wala ka makukuha sikreto. Huling tanung Pag malaman niyo na may sakit ako iinum pa ba kayo sa baso iinuman ko? BA kinuha ang baso sinabe puro tayu kadramahan yan ka na naman mare puro ka arte. ako ay sumagot sinabe im HIV POSITIVE . natulala sila at sinabe KAHIT DUGO MO INUMIN NAMIN GAGWIN NAMEN DAHIL ANO MAN MERON KA MAHAL KA NAMIN. sabay iyak at pinainum ako at uminom sa baso ko. wala na ako nagawa kundi umiyak . yakap na walang humpay at pag sabi ng iloveyou walang tigil. sa aming pag uwi hinatid ako at kanilang tinitigan ayaw ko makalimutan ang mukha mo dahil kahit san panalangin namin ay nasa iyo. 




Isang bahay ng barkada na BAHAY NI LOLA ang tawag namen tuwing magkikita at may get together doon ang pwesto namin sa inuman at kainan . habang ako ay nagtatagay at pinag uusapan ang kalokohan noong mga buhay noong hiskul dahil mula 1st yr magkakasama na kame. nagpangap ang isa naming barkada na may sakit siya ito ay si Barkada B parehong tanung sa Q & A namin ng mga barkada ko sa unang inuman para sa pag amin ko. una si Barkadang DADI ang mga sagot niya may halong pag dududa sino ba ang may sakit? puro kayo kalokohan? sagot ni Barkadang B ako nga . sagot di BDADI kahit sino pa kaw tangap kita. sumagot ako sa kawalan ang sabi ko DADI ako yung may sakit may HIV ako . lalaking straight si DADI niyakap ako humalik sa pisngi sinabe bakit kaw pa? madame naman diyan? walang makakasira sa pinagsamahan natin kahit ano  man dahil mahal ka namin at sabay hagulgol at tumakbo sa kwarto at tinawag si BarkdangMAMI . antok antok pa si MAMI inunti unti ko habang umiiyak  hangang sinabi ko na HIV Positive ako sagot ni MAMI YAKAP at IYAK at sinabeng bakit ikaw wag ka na mare wag di namin kaya mawalan ng kaibigan masakit. bago umuwi isang mahigpit na yakap mula sa mag asawa . at sinabing kahit ano man yan magkakasama tayu hangang huli.




Isang tawag ang natangap sa isang kaibigan si R nagkukuwento sa isang saket na STD dahil daw yung kakilala niya ay nahawa daw sa partner at pinagiingat niya ako. at sinabing wag kung kanino kanino sumasama dahil nag kalat ngayun angHIV . tumahiimik ako ilang sigundo sinabe friend may HIV ako ang sagot medyo irita mare naku ikaw kasi makate ka kung sino sino na lang. wala na tayu magagawa at ano pa ba masasabe ko ingat at binaba ang telepono. ilang araw nakalipas ako ay tinawagan magkita daw kami sa timog para mag usap . medyo nakainum na siya at mainit ang ulo . uminom kame sa isang tahimik ang lugar at iilan ang tao kwentuhan at ako ay pinapapagalitan. dumating sa punto na minumura na niya ako at bigla umiyak sinabing putang ina mo bakit kaw pa di ko kaya mare ilang araw na akong umiiyak dahil ayaw ko mawala ka. kahit madame tao wala siya pakielam dahil mahal na mahal niya daw ako. isang salata ang iniwanan pag uwi di matutunbasan ng walang lunas na sakit ang pagkakaibigan nating sinubukan na ng panahon . mare wag mo muna kaming iwan. isang paalam na di matapos hangat kaylangan ng umuwi kaya nagpasyang maghiwalay na may lungkot.


May  dalawa pang parte ng barkada ang di nasasabihan si Barakada M at Barkada J babae parehas nagpaplano ng gimik pero di natutuloy dahil siguro ayaw pa ng panahon para malaman nila. humingi ako sign kay GOD at itoy binigay para masabe ko na sa kanila una ko tinawagan si Barkada J na nasa Egypt na nagbabakasyon. kamustahan at walang humpay na kalokohan at muarahan dahil ganun kami mag usap. masiyahin kasi akong tao lahat bagay may katumbas na kalokohan pabiro sinabe ko may sakit ako pero di naniwala . hangat naging seryoso na ako sa boses ko at napatulo ang luha . sinabeng mare  totoo may HIV ako tumahik at biglang isang PUTANG INA MO  wag ako iiwanan mo dahil kung mawawala ka susunod ako dahil di masaya ang barkada kung wala. nagmadaling ibinaba dahil gusto niya muna umiyak . nagtext sinabeng mare wag muna plss i love you. nalungkot ako dahil si Brakadang J ang kasma ko mula noong nagsimula ang barkadahan. hay hirap dahil kala mo di totoo lahat. Si Barkadang M naman asa FX galing work sa libis kamusthan ang bigla ako himirit dahil sobra niya saya at kakatawa sabi ko mare may HIV ako. wala nasabi kundi umiiyak nagulat tao sa FX dahiil ang sinasabe niya mare wag muna plss mare wag ka muna kukunin ni GOD pag dadasal kita ng nakaluhod sa baclaran. di ko kinaya emsyon kaya ako ay nag paalam at sinabing mahal kita. sa text na lang kame nag usap at ipinaliwag panu ko nakuha. ang sarap ng feeling nabunutan ako ng tinik sa dibdib.


Isang Kaibigan na si Singer C na naging matagal ko nagin friend at lagi ko kasama sa kalokohan at inuman kahit kaming dalawa lang. naging close siya sa pamilya ko dahil siya ang taga kanta ko sa lahat ng event namen sa pamilya dahil di matatawaran ang galing sa pag kanta. sabi ko sa kanya kung may kanta ka sa akin ako yun at bakit?







Dahil kahit san at kung ano man kaylangan namen andun ka . sumagot ako mare paano may HIV ako ? sagot niya hindi totoo to hindi totoo to? mare plss walang biro ganyan at kinatahan na lang ako ng power of habang umiiyak . sa huli gusto niya ako yakapin pag nagkita kame ako ay nag paalam dahil nahihirapan siya kakaiyak nagpasalamat ako dahil naging parti ka ng buhay ko.




Wala pa akong balak sabihin sa magulang ko dahil alam ko masasaktan sila at mahihirapan sila matangap lalo na yung iba ko kapatid na di pa kaya. darating panahon GOD will guide me para sabihin bago ako mawala.


Sa mga kaibigan ko salamat dahil sa mga pinagsamahan natin di ko makakalimutan na kayo ang naging kaibigan ko.


Para sa isa kung kaibigan na si P di pa ito ang tamang panahon para magkita tayo muli kung kailan? di natin alam. pinatawad na kita dahil alam ko mahal mo ako aking kaibigan .





Para sa mga kaibigan ko wag paghihinaan ng loob matagal pa buhay ko basta sa puso ko andito kayo. Sa mga ATE ko salamat dahil kahit ano mangyari at maling ginawa ko andyan kayo. ILOVEYOU


Huling tanung ko sa kanila lahat kung masusugatan ako at pumatak ang dugo ko ano gagawin mo? 


Kanilang sagot kahit mahawa ako basta galing sayo wala akong pakielam dahil ako pagagamot sayo walang katumbas ang pag gamot mo sa problemang kahit pikit , tulog , puyat o kung asan ka man handa mo isugal ang buhay mo sa amin.




Di  ko mapigilang umiyak habang ginagawa ito. LORD bantayan mo po sila parati dahil mahal ko sila. magiging maskit po sa aking pag lisan kung malungkot sila at nasasaktan. SALAMAT PO








Thursday, October 21, 2010

-”Ortus, Vita, Mors” ("Birth, Life, Death").

Da, quaesumus Dominus, ut in hora mortis nostrae Sacramentis refecti et culpis omnibus expiati, in sinum misericordiae tuae laeti suscipi mereamur. Per Christum Dominum nostrum. Amen.

Grant, we beseech Thee, O Lord, that in the hour of our death we may be refreshed by Thy holy Sacraments and delivered from all guilt, and so deserve to be received with joy into the arms of Thy mercy. Through Christ our Lord. Amen.

Im Ready To DIE

Completed my task here on earth

I will never leave you guys

To my friends and family and you my B! I LOVE YOU.

I will always be here to guide you and support you.

To my little sister i will be your mentor forever

B! I LOVE YOU and I Will be your Angel


Cloud

I will not leave you until the last breath of yours

I will be on your side and take care of you

I will love you no matter what happened

But, i can be your cloud to cover all your fears

I LOVE YOU



Sunday, October 3, 2010

Ang Hubad na ORAS



Sa araw araw na aking minamasdan ang aking katawan iniisip ko kung ano ang pagbabago na mangyayari.

Nagsimula sa pananakit ng tiyan, pagsakit ng aking kokote madalas, madalas na pagkakaroon ng LBM ,
Lagnat , Ubo , Sipon at Pananakit ng katawan.

Ang aking tanung hangang kaylan Panginoon ang lahat ng ito gusto ko lamang mabuhay dahil may isang bagay pa akong tatapusin bago ako mawala.

Ang mahalin at ipakitang maayos ang lahat sa aking paglisan.

Sa pagsisimula ng aking oras araw araw pagbabago ang madalas ko maranasan dahil sa isang maling pangyayari ito ang kikitil sa aking buhay.

Sabi ng aking minamahal sa paglalakbay ko akoy kanyang sasamahan ngunit ang aking sinagot gusto ko sa paglalakbay ko dapat ngiti at saya ang maramdaman .

Ang hubad na ORAS dapat wag sayangin dahil hindi natin alam hanagang kaylan pa ang aking buhay.

Simula sa oras na ito gusto ko makita niyo ang pagbabago sa aking katawan.

Aking pasasalamat sa isang umagang panibaging buhay.

Akoy samahan sa aking laban sa sakit na HIV.

Friday, October 1, 2010

The Face of HIV



I am HIV Positive

GOD is GOOD

Sa simula ng ginagawa ko to sabi ko kaya ko pero ang hirap pala dahil emosyon at utak ko kalaban ko.
Masakit, Mahirap .Malungkot at Magulo. Ngunit kung iisipin naten walang kasing sakit ang magkaroon ng sakit na nakakahawa. Panginoon sa araw na ito tangap ko na po na saglit na lang ako . dahil ang hihinlingin ko na lang ang pagalingin at gabayan nyo po ang pamilya ko at mga mahal ko sa buhay. wala na akong mahihiling pa kundi sa pagtangap ko sa kalagayan ko ay isang magandang umaga at isang liwanag na gagabay sa kinabukasan.

Ma, kung nababasa mo ito mahal na mahal kita ! patawad po dahil hindi ko natupad na sabi ko aalagaan ko sarili ko ngunit sa aking pag lisan di man natin alam kaagapay ko ang isang pangako na hindi ko kayo iiwan.

Pa, hindi ko man na bigyan ka ng apo o naisunod ang apelyido naten sa dapat apong hinihiling mo nakilala naman ito sa mga karalangan tinamo ko. kung nararamdaman mo ngayun ang puso ko mahal ko po kayo.

Sana sa aking pag gising muling masilayan ang araw na nakangiti.

Sa aking nagawa wala akong pinagsisihan dahil alam ko sa pag kakaroon ko nito ang panginoon ay may gustong iparating sakin.

Maraming Salamat sa pamilya ko PATAWAD at Mahal ko kayo.



Ang Pasko




Sa pag sisimula ng pasko aking namimis ang aking pagkabata. Noon bagong damet , bagong sapatos at madaming regalo. Ngayun di ko alam pano ang pasko ng tanan ko ang saket ko siguro dapat ko pagdiwang ang masayang buhay na dinudugtungan ng ating panginoon.

Siguro ang mas masaya kasama ko ang pamilya ko at ang taong mahal ko na si B! may tula nga ako para sa kanya .

Akoy may alaga si b! na mataba
Buntot ay mahaba
Makinis ang balat
Mahal nya ako
Mahal ko din sya
Kaya ngayon
Kami lage magkasama.