Friday, October 1, 2010

The Face of HIV



I am HIV Positive

GOD is GOOD

Sa simula ng ginagawa ko to sabi ko kaya ko pero ang hirap pala dahil emosyon at utak ko kalaban ko.
Masakit, Mahirap .Malungkot at Magulo. Ngunit kung iisipin naten walang kasing sakit ang magkaroon ng sakit na nakakahawa. Panginoon sa araw na ito tangap ko na po na saglit na lang ako . dahil ang hihinlingin ko na lang ang pagalingin at gabayan nyo po ang pamilya ko at mga mahal ko sa buhay. wala na akong mahihiling pa kundi sa pagtangap ko sa kalagayan ko ay isang magandang umaga at isang liwanag na gagabay sa kinabukasan.

Ma, kung nababasa mo ito mahal na mahal kita ! patawad po dahil hindi ko natupad na sabi ko aalagaan ko sarili ko ngunit sa aking pag lisan di man natin alam kaagapay ko ang isang pangako na hindi ko kayo iiwan.

Pa, hindi ko man na bigyan ka ng apo o naisunod ang apelyido naten sa dapat apong hinihiling mo nakilala naman ito sa mga karalangan tinamo ko. kung nararamdaman mo ngayun ang puso ko mahal ko po kayo.

Sana sa aking pag gising muling masilayan ang araw na nakangiti.

Sa aking nagawa wala akong pinagsisihan dahil alam ko sa pag kakaroon ko nito ang panginoon ay may gustong iparating sakin.

Maraming Salamat sa pamilya ko PATAWAD at Mahal ko kayo.



7 comments:

  1. nakakaiyak naman to... goodluck with your journey.. stay positive. Enjoy what life still has to offer :)

    ReplyDelete
  2. @drei salamat pero minsan mararamdaman mo ang pagkalungkot kung ang mga magulang mo hindi alam ang nangyayari sayu. SALAMAT

    ReplyDelete
  3. sabi nga habang may buhay, may pag-asa...

    very moving at enlightening ang entry na ito. frankly, hindi ko alam mararamdaman ko. i dont usually do this, but if you need someone to talk to--- im willing to listen.

    goodluck to your wonderful journey...

    ReplyDelete
  4. @wanderingcommuter salamat just send me a mail

    ReplyDelete
  5. Hi Red,

    wag ka mawalan ng pag-asa. ok lang malungkot sa sitwasyon natin paminsan-minsan pero tuloy ang buhay

    ReplyDelete
  6. @InfinityStrip bawat salita na aking naririnig namumutawi ang kasiyahan . salamat

    ReplyDelete
  7. just move on and live...for the better god is good all the time...

    ReplyDelete