Tuesday, November 23, 2010

Dugo Sa PagAMIN



















Aking dugo na nagmula sayo.


Ilang buwan din ako nag isip kung kaylan ko sasabhin sa malalapit na kaibigan ko ang aking sitwasyon sa mga kaibigan ko . Inisip ko baka hindi nila ako tangapin o baka pandirihan ako . 


Sinimulan ko sa kapatid ko panganay pinuntahan ko sya sa opisina nila kala niya dinadalaw ko lang siya pero sinadya ko talaga siya para sabihin sa kalagayan ko. noong una madame akong bagay na pinasisikot sikot upang masabe lang na may saket ako. naghulaan pa kami para masabe ko lang kala niya ng una may cancer ako. ngunit nang biglang naisip niya na may HIV ako bigla siya natulala. Si WONDER ATE siya ang naging batayan ko sa buhay . idolo ko sa lahat  ng bagay dahil nag mula sa pag kakatulong hangang naging isang janitor at ngayun ay isang posisyon na masasabing pinaghirapan(Mall Manager). kaya lahat ng aking ginigawa sinasabe ko sa kanya dahil proud ako na siya ang aking idolo. ang mali lamang nagsimula ako sa mataas hangang bumagsak sa lupa dahil sobra yabang ko sa sarili noon. ngunit naibalik ko naman kung ano natamo ko dahil sa tulong ni WONDER ATE. kaya habang sinasabe ko sa kanya madami syang sinasabeng gawin ko para mawala . binigyan nya ako ng mga libro para basahin tungkol kay GOD . bumaba sya at bumalik umiyak sinabi bakit kaw pa? madami naman taong pwedeng dapuan ng sakit at masamang tao sa akin. sabi ko ate dahil alam ko mahal ako ni GOD siguro dahil ginising niya ako dahil masyado ko na siyang nakalimutan. bago ako umalis pinabaunan ako ng isang yakap bago umuwi at sinabing love you. kasi malayo siya nakatira mula sa bahay.




Sumunod ay ateng kong bakla (Babaeng Bakla) masiyahin at sobrang kalog lahat bagay may biro. sobrang close kasi ako sa mga kapatid ko dahil wala namang magkakasama sa huli kundi kami din. Si ateng bakla ay inunti unti namen dahil sa lahat ate ko siya madaming reklamo pagdating sa akin dahil alam niya na ako isang tao na di magpapatalo pag tama ako. lahat ng kalokohan kami ang magkasama at lahat ng biruan kame ang partner . sinabe ni wonder ate sa kanya na pabiro at halong kalokohan tawanan pa sila sa telepono pero tumahimik si wonder ate sinabeng may sakit talaga si red. bumuhos ang luha ang kalungkutan sa kanilang dalawa . hindi kinaya ni ateng bakla dahil sobrang bigat as dibdib . tinext ko siya at sinabe may ulam akong niluto sabay tayu kumain uwi ka ng maaga ha. pag dating pa lang sa pintuan malungkot na mukha na ang gumulat sa akin alosdose ng umaga tulog na ang mga tao noon sa amin . habang kumakain sabi ko ubusin mo lahat yan alam ko paboito mo yan . ngunit tumulo na ang luha sa kanyang mga mata iyak na nasasaktan at nalulungkot. walang salitang masabi kundi ang yakap na mahigpit na ayaw ka mawala sa tabi at paningin niya. at sinabi kapatid mahal na mahal kita sori kung may nagawa ako masama sayo. di na ako nag salita at umakyat sa kwarto ko at umiyak. 




Nagplano ako nang inuman kasama ang mga barkada makaraan ang isang buwan inuman hangang malasing, inuman hanagang maging masaya at inuman hangang masabi ko na may saket ako.habang umiikot ang baso naglaro kame ng Q & A unang tanung kung may sobre na nakalagay CONFIDENTIAL bubuksan mo ba ? Barkada A hindi noh di naman akin un. Barkada B sisilip lang naman baka may pera sabay tawa. Barkada AN sorry wrong address Barkada U bakit sa akin papaabot kartero ba ako sabay tawa buong barkada. Ikalawang tanung Gaano mo maiitatago ang sikreto ng bakada? Barkada A hangang mamatay ako BB kilala mo ako friend di ako ganun kadaldal. BAN makaklimutin ako .BU patayin mo man ako wala ka makukuha sikreto. Huling tanung Pag malaman niyo na may sakit ako iinum pa ba kayo sa baso iinuman ko? BA kinuha ang baso sinabe puro tayu kadramahan yan ka na naman mare puro ka arte. ako ay sumagot sinabe im HIV POSITIVE . natulala sila at sinabe KAHIT DUGO MO INUMIN NAMIN GAGWIN NAMEN DAHIL ANO MAN MERON KA MAHAL KA NAMIN. sabay iyak at pinainum ako at uminom sa baso ko. wala na ako nagawa kundi umiyak . yakap na walang humpay at pag sabi ng iloveyou walang tigil. sa aming pag uwi hinatid ako at kanilang tinitigan ayaw ko makalimutan ang mukha mo dahil kahit san panalangin namin ay nasa iyo. 




Isang bahay ng barkada na BAHAY NI LOLA ang tawag namen tuwing magkikita at may get together doon ang pwesto namin sa inuman at kainan . habang ako ay nagtatagay at pinag uusapan ang kalokohan noong mga buhay noong hiskul dahil mula 1st yr magkakasama na kame. nagpangap ang isa naming barkada na may sakit siya ito ay si Barkada B parehong tanung sa Q & A namin ng mga barkada ko sa unang inuman para sa pag amin ko. una si Barkadang DADI ang mga sagot niya may halong pag dududa sino ba ang may sakit? puro kayo kalokohan? sagot ni Barkadang B ako nga . sagot di BDADI kahit sino pa kaw tangap kita. sumagot ako sa kawalan ang sabi ko DADI ako yung may sakit may HIV ako . lalaking straight si DADI niyakap ako humalik sa pisngi sinabe bakit kaw pa? madame naman diyan? walang makakasira sa pinagsamahan natin kahit ano  man dahil mahal ka namin at sabay hagulgol at tumakbo sa kwarto at tinawag si BarkdangMAMI . antok antok pa si MAMI inunti unti ko habang umiiyak  hangang sinabi ko na HIV Positive ako sagot ni MAMI YAKAP at IYAK at sinabeng bakit ikaw wag ka na mare wag di namin kaya mawalan ng kaibigan masakit. bago umuwi isang mahigpit na yakap mula sa mag asawa . at sinabing kahit ano man yan magkakasama tayu hangang huli.




Isang tawag ang natangap sa isang kaibigan si R nagkukuwento sa isang saket na STD dahil daw yung kakilala niya ay nahawa daw sa partner at pinagiingat niya ako. at sinabing wag kung kanino kanino sumasama dahil nag kalat ngayun angHIV . tumahiimik ako ilang sigundo sinabe friend may HIV ako ang sagot medyo irita mare naku ikaw kasi makate ka kung sino sino na lang. wala na tayu magagawa at ano pa ba masasabe ko ingat at binaba ang telepono. ilang araw nakalipas ako ay tinawagan magkita daw kami sa timog para mag usap . medyo nakainum na siya at mainit ang ulo . uminom kame sa isang tahimik ang lugar at iilan ang tao kwentuhan at ako ay pinapapagalitan. dumating sa punto na minumura na niya ako at bigla umiyak sinabing putang ina mo bakit kaw pa di ko kaya mare ilang araw na akong umiiyak dahil ayaw ko mawala ka. kahit madame tao wala siya pakielam dahil mahal na mahal niya daw ako. isang salata ang iniwanan pag uwi di matutunbasan ng walang lunas na sakit ang pagkakaibigan nating sinubukan na ng panahon . mare wag mo muna kaming iwan. isang paalam na di matapos hangat kaylangan ng umuwi kaya nagpasyang maghiwalay na may lungkot.


May  dalawa pang parte ng barkada ang di nasasabihan si Barakada M at Barkada J babae parehas nagpaplano ng gimik pero di natutuloy dahil siguro ayaw pa ng panahon para malaman nila. humingi ako sign kay GOD at itoy binigay para masabe ko na sa kanila una ko tinawagan si Barkada J na nasa Egypt na nagbabakasyon. kamustahan at walang humpay na kalokohan at muarahan dahil ganun kami mag usap. masiyahin kasi akong tao lahat bagay may katumbas na kalokohan pabiro sinabe ko may sakit ako pero di naniwala . hangat naging seryoso na ako sa boses ko at napatulo ang luha . sinabeng mare  totoo may HIV ako tumahik at biglang isang PUTANG INA MO  wag ako iiwanan mo dahil kung mawawala ka susunod ako dahil di masaya ang barkada kung wala. nagmadaling ibinaba dahil gusto niya muna umiyak . nagtext sinabeng mare wag muna plss i love you. nalungkot ako dahil si Brakadang J ang kasma ko mula noong nagsimula ang barkadahan. hay hirap dahil kala mo di totoo lahat. Si Barkadang M naman asa FX galing work sa libis kamusthan ang bigla ako himirit dahil sobra niya saya at kakatawa sabi ko mare may HIV ako. wala nasabi kundi umiiyak nagulat tao sa FX dahiil ang sinasabe niya mare wag muna plss mare wag ka muna kukunin ni GOD pag dadasal kita ng nakaluhod sa baclaran. di ko kinaya emsyon kaya ako ay nag paalam at sinabing mahal kita. sa text na lang kame nag usap at ipinaliwag panu ko nakuha. ang sarap ng feeling nabunutan ako ng tinik sa dibdib.


Isang Kaibigan na si Singer C na naging matagal ko nagin friend at lagi ko kasama sa kalokohan at inuman kahit kaming dalawa lang. naging close siya sa pamilya ko dahil siya ang taga kanta ko sa lahat ng event namen sa pamilya dahil di matatawaran ang galing sa pag kanta. sabi ko sa kanya kung may kanta ka sa akin ako yun at bakit?







Dahil kahit san at kung ano man kaylangan namen andun ka . sumagot ako mare paano may HIV ako ? sagot niya hindi totoo to hindi totoo to? mare plss walang biro ganyan at kinatahan na lang ako ng power of habang umiiyak . sa huli gusto niya ako yakapin pag nagkita kame ako ay nag paalam dahil nahihirapan siya kakaiyak nagpasalamat ako dahil naging parti ka ng buhay ko.




Wala pa akong balak sabihin sa magulang ko dahil alam ko masasaktan sila at mahihirapan sila matangap lalo na yung iba ko kapatid na di pa kaya. darating panahon GOD will guide me para sabihin bago ako mawala.


Sa mga kaibigan ko salamat dahil sa mga pinagsamahan natin di ko makakalimutan na kayo ang naging kaibigan ko.


Para sa isa kung kaibigan na si P di pa ito ang tamang panahon para magkita tayo muli kung kailan? di natin alam. pinatawad na kita dahil alam ko mahal mo ako aking kaibigan .





Para sa mga kaibigan ko wag paghihinaan ng loob matagal pa buhay ko basta sa puso ko andito kayo. Sa mga ATE ko salamat dahil kahit ano mangyari at maling ginawa ko andyan kayo. ILOVEYOU


Huling tanung ko sa kanila lahat kung masusugatan ako at pumatak ang dugo ko ano gagawin mo? 


Kanilang sagot kahit mahawa ako basta galing sayo wala akong pakielam dahil ako pagagamot sayo walang katumbas ang pag gamot mo sa problemang kahit pikit , tulog , puyat o kung asan ka man handa mo isugal ang buhay mo sa amin.




Di  ko mapigilang umiyak habang ginagawa ito. LORD bantayan mo po sila parati dahil mahal ko sila. magiging maskit po sa aking pag lisan kung malungkot sila at nasasaktan. SALAMAT PO








No comments:

Post a Comment