Monday, January 10, 2011

Ugoy ng Duyan

Habang nakaupo at nagbabasa ng mga comment sa FB aking narinig ang isang kantang laging kinakanta sa akin ng aking INA,Bago ako matulog dahil sa sobrang tagal ko matulog noong bata ako. Naalala ko noong ang tawag sa akin santo santito kasi napaka kulit ko at sobrang mapaglaro. isipin mo bang magagawa kong pag palitin ang mga laman ng pabango at ipag halo-halo ito? Omag lagay ng Panty at Bra sa bag ng kuya ko? bago sila pumasok? At sa pintuan ng inyong palikuran na tanaw sa kalye dahil kayo ay may tindahan at naka lagay bawal mag CR may kapre sa loob? O tawagin ang magbabalot sa gitna ng gabi at biglang magtatago sa ilalim ng bintana?
Ganyan ako kakulit nang ako ay bata mapaglaro at mapang asar.ngunit ang aking kakulitan ay nakatulong naman.Dahil sa tagal ko matulog sa gabi sa likuran ng aming bahay na bakanteng lote na ang paligid ay natatakpan lamang ng yero. Isang magnanakaw ang pumasok. Gising pa ako noon di ko alam ang gagawin ko sa takot baka ako ay patayin. Syempre bata anu-ano iniisip. Ang aking ginawa nag boses duwende ako isang maliit na boses na malalim at tinakot ko ang mga magnanakaw. nagising ang buong kapit bahay sa kalabog at ingay ng magnanakaw.Yun ang paraan kaya sila nahuli. 
Maloko pero may pakinabang naman sa mundo kahit simple tao pwedeng tumulong.
Lumapit sa akin ang aking ina at sinabi anak tulog na tayu pagod ka na.Hindi mo makakaila na anak ako ng nanay ko. Mula ulo at paa kamukha ko ang nanay ko hulmang hulma kung baga.Sa sitwasyon ko ngayon at sa sakit ko lagi ko siya naiisip nahihirapan man o kaartehan man pero ang hirap dahil siya ang sandigan mo simula noon ngunit di niya alam ano meron ka ngayon. mahirap dahil nararamdamana na niya kung ano meron ako pero syempre di niya alam kung ano sakit meron ako. pag dumadating sa pagkakataong ako ay nalulungkot gusto ko umiyak na kasama siya at yakapin siya? pinakikingan ko lang ang Ugoy ng Duyan dahil kahit hindi niya alam ang letra ng kanta ito ay kanyang kinakanta dahil para ako ay kumalma sa pag kakaiyak. 
MAMA, sa araw na malaman mo kung ano meron ako sana tatagan mo loob mo dahil hangang ngayun iniisip ko ang kalagayan mo. Sobrang namimiss na kita.
Huwag kang mag alala inaalagaan ko sarili ko.
Mahal na Mahal kita.

No comments:

Post a Comment